Apat sugatan sa pananaksak sa bayan ng Aborlan Palawan

Sugatan ang apat na indibidwal matapos saksakin ng isang suspek nitong  ika- 30 ng Hunyo 2021 bandang 10:30 ng umaga sa Brgy. Apurawan, Aborlan, Palawan.

Ang mga biktima ay sina; Adonie Ongo Enggan, 27 taong gulang, may asawa, mangingisda ,Jerry Andap Libonzo, 19 taong gulang, walang asawa, magsasaka, isang 16 taong gulang na menor de edad at Marlon Ongo Antequiño, 27 taong gulang, walang asawa, magsasaka at residente ng Brgy.  Apurawan, Aborlan, Palawan

 Ang suspek ay nakilalang si Dominador Ilagan Valde, 53 taong gulang, may asawa, magsasaka at residente ng Brgy.  Apurawan, Aborlan, Palawan.

Ayon sa ulat ng Palawan Provincial Police Office,  ang mga biktima ay umiinom  sa bahay ng  Bacaltos, napansin nila na ang suspek ay dumaan ng 3 beses na nakasakay sa kanyang motorsiklo na sumisigaw at nanghahamon ng gulo.

Huminto umano ito malapit sa grupo ng mga biktima at sinigawan sila. Sinubokan itong pakalmahin  ng mga suspek pero hindi nila alam na armado pala ito ng kutsilyo at nang makalapit ay doon na sila inatake ng suspek.

Ang biktimang si Adonie ay nagtamo saksak sa tiyan, si Jerry ay nagtamo  ng saksak sa kanang braso kaya isinugod sila sa Aborlan Medicare Hospital, habang ang menor de edad na biktima ay nagtamo ng saksak sa dibdib at si Marlon Antequiño ay nagtamo ng saksak sa kaliwang braso na dinala sa Rural Health Unit sa Brgy.  Apurawan, Aborlan, Palawan.

Samantala, tumakas ang suspek matapos ang krimen na nahaharap  sa kasong frustrated homicide.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *