Nakatanggap ng 1,673 Family Food Packs mula sa Department of Social Welfare and Development Field Office 02 (DSWD FO2) ang mga Local Government Units (LGUs) na naapektuhan ng bagyong Maring.
Batay sa DSWD RFO2, nagkaroon ng request for augmentation ang ilang LGU sa Cagayan lubhang binaha at napinsala ng nasabing bagyo.
Ito ay kinabibilangan ng Sta Teresita at Gonzaga na nakatanggap ng tig-500 FPPs, 240 sa Abulug, 200 sa Appari, 120 sa Sta Praxedes at 133 FFPs naman sa Pamplona, Cagayan.
Personal namang binisita ni DSWD FO2 Regional Director Cezario Joel Espejo ang dalawang distrito sa Cagayan na lubhang naapektuhan ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Sa ngayon ay mayroong 1,920 families na binubuo ng 7,078 individuals ang naapektuhan ng bagyong Maring sa Rehiyon.
Mula sa 448 families na binubuo ng 1,692 ang kasalukuyang namamalagi sa 56 na evacuation centers.
Samantala, nagpapatuloy parin ang repacking ng DSWD ng mga FFPs kung saan mayroong standby funds na 4.9 milyon pesos, 22,126 FFPs na nagkakahalaga ng 10.6 milyon pesos at non-food items na nagkakahalaga ng 11.8 milyon pesos.
CAMARINES SUR — Negatibo sa isinagawang HIV Screening, Counseling, and Testing ang nasa dalawang daan…
NAGA CITY – Aarugain ng LGU-Naga lalo na ng City Social Welfare and Development Office…
Sikop sa mga sakop sa Los Amigos Police Station ang usa ka butane vendor atol…
NAGA CITY- Itinanggi ni Naga City Mayor Son Legacion ang umano’y pagtanggap niya ng payola…
KORONADAL CITY – TUTULONG si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go upang mapabuti pa ang serbisyo…
CAMARINES SUR- Sinang-ayunan ng ilang guro sa Camarines Sur ang iminumungkahi ng Department of Education…