Hindi pinagbigyan ng Ministry of Interior ng Timor-Leste ang aplikasyon ni suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. para sa political asylum.

Ipinagbigay-alam alam ring Timor-Leste government sa Department of Foreign Affairs na nasa kanilang bansa si Rep. Arnie Teves. na nasa Dili kung saan niya isinumite ang aplikasyon para sa political asylum.
Binigyan ng Timor-Leste government si Teves ng limang araw para umalis sa kanilang bansa.
Una ng kinumpirma Justice Sec. Boying Remulla na nasa Timor-Leste si Teves.
Agad namang sumulat ang DOJ sa Department of Foreign Affairs para ipaliwanag na nahaharap sa murder charges si Teves sa pagkakadawit sa pagpatay kay governor Roel Degamo at kinokonsiderang i-designate bilang terorista.//CA