Aplikasyon para sa 10 libong mga trabaho sa 4PH project sa Camarines Sur bukas na para sa lahat ng mga Bicolano

NAGA CITY- Puwede nang mag apply ng trabaho ang mga Bicolano sa pagtatayo ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) project ng National Government.

10,000 na mga trabaho ang bubuksan ayon sa Public Employment Service Office (PESO)- Camarines Sur. Aabante ang programa ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Provincial Government of Camarines Sur sa tulong ng mga manggagawa.

Naghahanap ng Architect, Electrician, Backhoe Operator, Karpintero, helper, dump truck operator, driver, welder, utility , first aider at marami pang iba.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Cha Torallo ng PESO- CamSur, puwedeng magpaabot ng mensahe sa kanilang official FB page na Camsur Peso , puwede ring doon na mag submit ng resume o kaya mag email sa [email protected] .

Si Emmanuel Cis na residente ng Milaor, nagbabakasakali na isa sa mga matanggap, aasikasuhin niya ang resume at mag apply bilang driver. Dati siyang nagmamaneho ng van at ngayon at habal-habal driver, mahirap aniya na walang trabaho kahit mag-isa lang sa buhay dahil mahal ng mga bilihin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *