Apoy, sumiklab sa isang bahay sa Puerto Princesa

Nasunog ang mga gamit sa dalawang kwarto ng isang bahay sa Purok Bakawan Barangay Sicsican, Puerto Princesa City bandang alas-diyes ng umaga ngayong Martes, ika – 14 ng Pebrero 2023.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, ang gusali ay pagmamay-ari ni SARINA CATAIN.

Naireport sa mga bumbero ang insidente mag-aalas- onse ng umaga ngunit pagdating ay naapula na rin ang sunog kaya hindi na kumalat ang apoy.

Samantala, inaalam pa ng fire investigator ang sanhi ng sunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *