Sinimulan na ngayong araw ang pagtanggap ng mga applikasyon para sa mga kukuha ng Career Service Examination – Pen and Paper Test (CSE-PPT) Professional and Sub-Professional levels sa June 19, 2022.
Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Provincial Director Rewina Arugay ng CSC-Isabela Field Office, binuksan ng Civil Service Region 2 ang link noong April 8 para sa April 12-13 schedule kung saan limitado lamang sa 300 slots.
Muli naman aniyang bubuksan ang link for appointment sa April 16 para sa schedule sa April 18-20 kung saan dalawa ang venue kung saan ito isasagawa na kinabibilangan ng Santiago City at sa Isabela Field Office sa City of Ilagan.
Mayroon aniyang 2,000 slots ang alokasyon sa buong lalawigan.
Paliwanag ni PD Arugay, matapos maiproseso ang appointment ay may matatanggap na message sa pamamagitan ng email ang nagpa-apoint na siyang kumpirmasyon ng kaniyang piniling schedule.
Maaari rin umanong kumuha ng schedule ang isang applikante sa ibang lugar kung sakaling naubusan na ng slots na nakaalokasyon sa kanilang sariling lugar ngunit maaaring piliin kung saan nito gustong kumuha ng pagsusulit.
Mariin din nitong ipinaalala na hindi sila tumatanggap ng walk-in kaya pinapayuhan ang mga nais magpasa ng applikasyon na magpa-appoint muna online.
Samantala, naging mabilis naman ang proseso ng filing of application ngayong araw sa naturang tanggapan.
Simula bukas ay maguumpisa na ang 'Car-free Sundays' sa Maynila, 'o 'yung pagbabawal sa mga…
Wala umanong itinatago si dating Philippine National Police (PNP) chief Retired PGen. Oscar Albayalde sa…
Sinagot ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Bienvenido Laguesma ang naging paratang ni…
Tumama sa earth ang pinakamalakas na solar storm sa nakalipas na 2 dekada. Dahil dito…
Ibinunyag ni Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela ang…
Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naulila ng isang 10-anyos na…