Appointment ng bagong Municipal Health Officer ng Basud nakakuha ng pag sang- ayon sa Sangguniang Bayan

CAMARINES NORTE- Nagbigay na ng concurrence ang Sangguniang Bayan sa appointment ng bagong Municipal Health Officer ng Basud, Camarines Norte na ilang taon ding nabakante.

Sa regular na sesyon noong Lunes, mabilis na nagbigay ng pag sang- ayon ang konseho sa appointment ni Dr. Joel Paolo A. Delos Reyes bilang Municipal Government Department Head 1 o Municipal Health Officer.

Personal na humarap sa konseho si Delos Reyes bitbit ang mga kinakailangang dokumento upang hingin ang concurrence nito.

Si Delos Reyes na ipinanganak sa bayan ng Daet  ay residente ng Barangay Laniton Basud.

Nagtapos ng elementarya sa Daet Elementary School at sekundarya sa Camarines Norte State College Laboratory High School.

Nagtapos ng Bachelor of Science in Nursing noong 2012 sa Bicol University.

Noong 2018 ay nagtapos naman ng Doctor of Medicine at Master in Public Administration Major in Health Emergencies sa Bicol University College of Medicine.

Bago itinalaga bilang MHO ay nagtrabaho si Delos Reyes bilang Medical Officer III ng Camarines Norte Provincial Hospital at  Bicol Medical Center.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *