Appointment ni Tulfo, na-defer dahil sa US Citizenship at libel conviction

Nanindigan si Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na na-renounce niya na ang kanyang American Citizenship bago pa man ito ma-appoint bilang miyembro ng Gabinete ng Marcos administration.

Ito ay makaraang ma-defer ng Commisison on Appointments panel ang deliberation para sa kanyang ad interim appointment.

Sa ambush interview matapos ipagpaliban ang kanyang deliberation, sinabi ng Kalihim na inaasahan niya nang mauungkat ang naturang isyu kaya naman inihanda niya na ang mga dokumento para mapatunayang na-renounce niya na ang kanyang American citizenship ngayong taon.

Matatandaaang napagdesisyunan ng isang kumite ng makapangyarihang Commission on Appointments na i-defer ang deliberation ni Tulfo dahil sa mga isyung naungkat.

Napagalaman kasing nagsilbi si Tulfo sa US Army mula 1988 hanggang 1992.

Maliban pa rito, nakuwestyon din ang kanyang libel conviction.

Isiniwalat ni SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta ang apat na beses na conviction ni Tulfo sa kasong libel sa Pasay Regional Trial Court.

Bagamat nilinaw ni Tulfo na ang mga libel cases na kinahaharap niya ay may kaugnayan pa sa pagiging brodkaster nito – sinabi ni Marcoleta na mayroong mga opisyal na na-disqualify matapos ma-convict sa ilang mga kaso.

Sa huli, sinabi ni Majority Leader LRay Villafuerte na ipagppatuloy lamang ang deliberation sa oras na masumite na sa CA members ang mga kinakailangang dokumento.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *