APSEMO, magsasagawa ng DRR capacity training sa mga piling empleyado ng CHED Bicol

Nakatakdang isailalim ngayon ng Albay Provincial Safety and Emergency Management Office (APSEMO) sa Disaster Risk Reduction Capacity Training ang mga piling empleyado ng Commission of Higher Education (CHED) Bicol.

Sa panayam kay APSEMO head Dr. Cedric Daep, sinabi nitong napapahon ngayong palakasin ang kaalaman at paghahanda ng mga ahensiya at maging gabay sa mga estudyante sa oras ng kalamidad.

Layunin nitong maihanda ang mga tauhan ng kagawaran sa oras ng sakuna lalo na sa epektong dulot ng malakas na lindol.

Inaasahan na mahigit 100 mga personahe mula sa mga pamantasan at community colleges sa lalawigan ang dadalo sa dalawang araw na training-workshop na magsisimula ngayong araw, Pebrero 7, hanggang Pebrero 8, sa Albay Provincial Agriculture Office (APAO), Brgy. Salugan, Camalig, Albay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *