APSEMO, may suhestiyon tungkol sa mga quarterly drills na may kinalaman sa mga sakuna

Binigyang-diin ng Albay Provincial Safety and Emergency Management Office (APSEMO) na ang mga isinasagawang quarterly drills ay dapat na scenario-based.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay APSEMO head Dr. Cedric Daep, sinabi niyang kung ang scenario ay nasa gilid ng dagat, ang nararapat ay tsunami warning and evacuation; kung landslide naman ay landslide evacuation drill; at kung nasa mga gusali naman dito na papasok ang structural failure drill, fire and explosion and evacuation.

Depende umano ito sa mga scenario kung saan maaaring makatulong upang makapagsagawa ng drill plan upang makapaghanda.

Aniya, hindi na kailangan pang mag-imbita ng ibang mga yunit sapagkat ang maayos na pag-oorganisa mismo ang kailangan at gumawa ng plano na makikiisa ang mga komunidad. Dagdag pa niya, ang nasabing hakbang ay naisagawa na ng ilang DRRMO sa Albay ngunit bumabalik lang naman sa tipikal na duck-cover-and-hold.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *