Arabella, thankful sa kanyang supportive boyfriend na si Jimuel

Naniniwala ang Star Magic actress na si Arabella del Rosario na smooth sailing ang relasyon nila ni Jimuel, na anak ni boxing champ Senator Manny Pacquiao, dahil sa dami ng kanilang pagkakapareho sa maraming bagay

Ipinunto ni Arabella na pareho silang pet lovers, at itinuturing na nila ang kanilang sarili bilang magulang sa kanilang American Bully na tinawag nila bilang “AJ”, na initials ng kanilang pangalan.

Sinabi rin ng aktres na pareho silang adventerous, ngunit dahil sa pandemya, ay hindi nila ito magawa ngayon.

Dagdag ni Arabella, mahilig rin sila ni Jimuel na sumakay sa roller-coasters, mag-road trip at sumubok ng bagong hobby tulad ng wakeboarding.

Aminado si Arabella na kung minsan ay nakakatakot na ang kanilang similarities dahil umaabot na sa punto na tinatapos nila ang sentences ng isa’t-isa, at dahil tila pareho silang mag-isip ay minsan nagugulat na lang sila na parehong videos sa social media at TikTok ang sinesend nila sa isa’t-isa.

Sa ngayon ay hindi pa malinaw kung paano nagkakilala ang dalawa, ngunit parehong hawak ng Star Magic ang showbiz career nina Arabella at Jimuel. (RAMAK KOWSARI)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *