KORONADAL CITY — MAGIGING Lunes hanggang Huwebes na lamang bukas ang tanggapan ng Land Transportation Office o LTO Region-12 sa lungsod ng Koronadal.
Sa impormasyong ipina-abot ng LTO-12, dahil ito sa tumataas na kaso ng coronavirus disease o Covid-19 sa South Cotabato lalo na sa Barangay Sta. Cruz, Koronadal kung saan makikita ang kanilang tanggapan.
Napag-alaman na isa ang Barangay Sta. Cruz sa dalawang barangay sa Koronadal na isinailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ hanggang Mayo 14.
Ito’y dahil ang nasabing barangay ang nakapagtala ng pinaka-maraming kaso ng Covid-19 sa Koronadal. Inilaan naman ng LTO-12 sa disinfection ang araw ng Biyernes.
