Arawang sahod ng mga manggagawa sa bansa, dapat 1K ayon sa ilang negosyante sa Pampanga

Nais ng ilang negosyante sa lalawigan ng Pampanga na gawing isang libo ang arawang sahod ng mga wage earners sa bansa.

Ayon kay Rene Romero, isang businessman sa lalawigan, hindi sapat ang 460 kada araw na sahod ng mga empleyado sa Central Luzon, lalo pa’t tumataas ang mga bilihin sa bansa gayon din ang presyo ng produktong petrolyo.

Aniya, baka makagawa ng paraan ang pamahalaan para maitaas sa isang libo ang sahod kada araw ng mga manggagawa.

Lalo pa’t isa sa development plan ng pamahalaan ang “Ambition 2040”, na naglalayong wala nang mahirap na Pilipino pagsapit ng taong 2040.

Hindi raw kasi fair sa mga Pilipino ang pangarap na ito ng pamahalaan kung hindi naman maitataas ang kanilang sahod.

Kapag sa oras daw na maitaas ang sahod ng mga manggagawang Pilipino, posibleng makaraos sila sa hirap at makapag savings pa.

Para pagsapit ng 2040 posible ring maabot ang pangarap ng pamahalaan na magkaroon ng maginhawa, matatag at panatag sa buhay ang bawat Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *