Armed men, banned na sa Masungi Georeserve

Pinag-aaralan na ni Philippine National Police chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang pagtatao ng mga kapulisan sa Masungi Georeserve – ang protected area sa Rizal na ‘di umano’y kinubkob ng mga armadong security personnel.

Ngayong araw, binisita nina Interior Secretary Benhur Abalos, Azurin, at iba pang mga opisyal ang naturang lupain.

Sinabi ni Azurin na magkakaroon dito ng PNP detachment kung saan ay itatalaga ang ilang mga personnel ng Regional Mobile Force Batallion.

Ang mga tauhan na ito ay mga sanay umano sa pagbabantay sa mga protected areas lalo na sa mga bundok na mga lugar.

Samantala, ipinag-utos din ni Abalos na bawal na munang pumunta rito ang iba pang mga posibleng claimants ng lupain, at lalo na ang mga security personnel.

Hanggat wala pa aniyang opisyal na court order hinggil sa isyu – mananatili na muna sa status quo ang sitwasyon sa Masungi Georeserve.

Naniniwala rin itong walang nangyaring pag-okupa kahit na mayroong apela ang mga trustees ng foundation na paalisin na ang ilang mga sasakyan ng security agency.

Sa kabila nito, tiniyak ng Kalihim na iimbestigahan nila ang Sinagtala Security Agency.
#

RELATED STORIES:

PNP, pinaiimbestigahan na ang ‘armed security personnel’ sa Masungi Georeserves

PNP-4A inatasang paigtingin ang presensya sa Masungi Georeserve re: land dispute

Leave a Reply

Your email address will not be published.