Local News

Asawa ng yumaong kagawad na nais pumalit sa pwesto, pinupulitika umano

Nagpasaklolo sa Brigada ang si ginoong Idelfonso A. Aurello tungkol sa inaasahan niyang appointment bilang barangay kagawad sa Bgy. San Manuel sa Puerto Princesa City.

Ayon rito, yumao na kasi ang kanyang may bahay na 1st Barangay Kagawad sa San Manuel kaya napagkasunduan umano na siya ang ipapalit sa naiwang posisyon nito.

Matapos magkasundo ang barangay council ay agad siyang inendorso sa City Mayor’s Office pero hindi siya natuwa sa pamumulitika sa kanya.

Nainsulto umano siya nang sabihin sa kanya kamakailan ng dalawang Executive Assistant ni City Mayor Lucilo Bayron na may problema umano dahil hindi siya kaalyado ng alkalde.

Inihayag pa raw ng isang Executive Assistant na nakikita siya sa kampo ni dating konsehal Maristela.

Buwan pa ng Sityembre 2022 nang matanggap ng Mayors Office ang resolution o rekomendasyon ng barangay pero hindi pa rin niya pormal nakakausap ang alkalde matapos magpabalik- balik sa opisina ng walong beses.

Sa kabilang banda, inihayag ni Prov. DILG Director Virgilio na may may “appointing authority” ang isang City o Municipal mayor kung mag-a-appoint siya o hindi ng inendorsong indibidwal.

Pinapayuhan nito ang mga barangay na may kaparehong usapin na mag-rekomenda ng 2-3 inidbidwal upang may pagpilian ang appointing authority.

Samantala, sa programang Tira Brigada kanina ay hindi sumagot sa mga tawag ang isang Executive Assistant subalit patuloy na nakikipag- ugnayan ang Brigada.

BNFM Palawan

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

15 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

15 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

15 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

15 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

15 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

15 hours ago