Asawa ni Bruce Willis nakiusap sa mga paparazzi na huwag sigawan ang aktor kapag nakita ito sa publiko

Nanawagan ang asawa ni Bruce Willis na si Emma Heming Willis sa mga paparazzi na panatilihin ang kanilang distansiya at huwag sigawan ang aktor kapag nakita ito sa publiko.

Ang emosyunal na pakiusap ni Heming ay nai-upload sa kanyang Instagram account at iginiit ang pangangailangan ng pagkakaroon ng kaalaman sa mga taong nabubuhay na may dementia.

Matatandaang na diagnose na may frontal temporal dementia ang “Die Hard” actor.

Sinabing isa sa mga hamon ng sakit ni Bruce ang hirap sa pakikipag-usap.

Nauna nang inanunsyo noong 2022 na si Bruce ay may aphasia, na isang disorder dulot ng damage sa utak ng isang tao na nagreresulta sa hirap sa pagsasalita.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *