Asawa ni Vhong Navarro na si Tanya, umaasang aaprubahan ng korte ang kanilang bail bid

Umaasa ang asawa ni Vhong Navarro na si Tanya na pagbibigyan ng korte ang kanilang petition for bail para sa TV host-actor.

Kaugnay nito, nagpahayag din ng takot si Tanya, na baka malipat si Vhong sa Taguig City Jail dahil delikado ito para sa seguridad ng aktor.

Una nito, kinuwestiyon ng abogado ni Deniece Cornejo kung bakit nasa detention facility ng NBI si Vhong sa halip na sa pulisya, alinsunod sa batas.

Mababatid na ang kaso ng TV host ay walang inirekomendang piyansa.

Samantala, nanindigan si Tanya na simula noong Day 1, ay very consistent umano ang pahayag ni Navarro kaugnay sa naturang insidente, at suportado umano ng dokumento na patunay na hindi ito nagsisinungaling.

Leave a Reply

Your email address will not be published.