ASF, kumalat na sa ibang bahagi ng probinsya ng Cebu

Kumalat na ang African Swine Fever sa iba’t-ibang bahagi ng probinsya ng Cebu.

Sa huling bulletin mula sa Bureau of Animal Industry (BAI), ang mga apektadong lugar ay kinabibilangan ng Cebu City, Liloan, Tuburan, Bogo City, at Sibonga.

Nabatid na ang Carcar City ang unang may nadetect na umano’y ASF infestation sa unang linggo ng Marso.

Ayon sa animal bureau, na ang samples mula sa backyard farms sa area ay ipinadala sa Regional Animal Disease Diagnostic and Reference Laboratory para sa RT-PCR tests na ikinokonsidera nila bilang “gold standard” sa testing at confirmation ng ASF virus.

Dadga ng BAI, na nagsasagawa sila ng dagdag na imbestigasyon para matukoy ang extent ng outbreak sa naturang probinsya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *