Ash fall mula sa Bulkang Mayon, naitala sa ilang lugar Albay kahapon; PHIVOLCS, may paliwanag

LEGAZPI CITY – Nakapagtala ng ash fall mula sa Bulkang Mayon ang ilang mga lugar sa lalawigan ng Albay kahapon, Mayo 18.

Ayon kay PHIVOLCS resident volcanologist, Dr. Paul Alanis, ito ay resulta lamang ng apat na rockfall events na naitala rin kahapon.

Aniya, nagalaw nito ang dating lava dome sa may taas na bahagi ng bulkan kung saan nadadala nito palabas ang mga dati nang mga deposit.

Dagdag pa ni Alanis, nananatili at wala umanong paggalaw ang estado ng bulkan na ngayon ay nas alert level 1 status pa rin.

Sa ngayon, ayon sa kanya, hindi naman ito dapat ikabahala ng mga residente, ngunit nagpapaalala pa rin sila sa publiko na maging alerto sa maaaring biglaang phreatic explosion, rock fall at lahar flow kapag may malakas na ulan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *