Aso sa Ohio, kinilala bilang pinaka-matandang aso na nabubuhay ngayon sa mundo

ISANG aso sa Ohio na si Spike ang kinilala ng Guinness World of Records bilang pinaka-matandang aso na nabubuhay sa mundo.

Ayon sa Guiness World of Records si Spike ay isang chihuahua mix na isinilang noong November 1999 at napatunayang hindi bababa sa edad na 23 years old.

Matatandaan na ang dating title holder na na natalo ngayon ni Spike ay si Gino Wolf ng Los Angeles sa edad na 22 years old.

Ayon kay Rita Kimball, 14 years ago si spike ay napulot niya sa parking lot ng isang grocery store noong 2009 ,ahit ang buhok nito sa likod at may mga bakas ng dugo sa leeg mula sa kadena o lubid matapos na makita ni Rita ang kalagayan ni Spike ay inampon at inuwi nya na ito sa kanila.

Sa ngayon si Spike ay halos bulag at mahina na ang pandinig pero ayon kay Rita masaya namang iginugugol ni Spike ang kanyang oras sa kanyang mga kakilalang tao at hayop. ###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *