ATC, ilalathala ang listahan ng mga designated ‘terrorists’ – Esperon

Ilalathala ng Anti-Terrorism Council (ATC) ang listahan ng mga indibidwal na designated bilang mga terorista.

Ginawa ni National Security Adviser Hermogenes Esperon ang rebelasyon sa ginawang oral arguments kaugnay sa kontrobersiyal na Anti-Terrorism Act of 2020, kung saan natanong siya ng Supreme Court justice kung gumawa na ang council ng designations.

Ayon kay Esperon, may resolusyon na ang Anti-Terrorism Council, pero hangga’t hindi umano nila ito nailalathala sa mga local papers, ay hindi nila ito papangalanan sa publiko.

Mababatid na sa implementing rules and regulations ng anti-terrorism, inilalathala ng ATC sa online at sa national broadsheet ang listahan ng mga tao at entities na tinukoy bilang mga terorista.

Sa oras na mailatha, ang mga tinukoy na partido ay maaring maghain ng verified request para tanggalin ang kanilang pangalan sa council sa loob ng 15-araw. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *