ATHLETE NA TUBONG PAGBILAO, NASUNGKIT ANG DALAWANG GINTONG MEDALYA SA PARA SWIMMING NG 2022 ASEAN PARA GAMES

Nasungkit ng Quezonian athlete na tubong Pagbilao ang dalawang gintong medalya sa Para Swimming ng 2022 ASEAN Para Games na ginanap sa Surakarta, Indonesia.

Kinilala ang atleta na si Marco Tinamisan, 23-anyos, na nagkamit na rin ng mga medalya sa iba’t-ibang patmpalak.

Ayon sa Philippine Sports Commission, una nang nakamit ni Tinamisan ang isa sa dalawang gintong medalya matapos nitong makapagtala ng bagong record sa Men’s 50m Freestyle S3, nitong kahapon, Agosto 4.

Kasunod nito, nagkamit siyang muli ng isa pang gintong medalya matapos ang 100m freestyle ngayong araw.

Samantala, kabuuang 19 na gintong medalya na ang nakamit ng Team Philippines sa 2022 ASEAN Para Games habang 20 ang silver medals at 33 naman bronze medals, ayon sa pinakahuling Medal Tally. | via Toneth Jarlan/BNFM Lucena

Leave a Reply

Your email address will not be published.