Atleta mula sa Masbate nasungkit ang unang gintong medalya para sa Bicol Region sa Palarong Pambansa

Mayroon nang gintong medalya ang delegasyon ng Bicol Region sa Palarong Pambansa na kasalukuyang ginaganap sa Lungsod ng Marikina.

Ito’y matapos na magwagi sa event na Javelin Throw – Secondary Girls Category ang atleta mula sa Masbate Sports Academy (MSA) na si Bianca Gebilagiun.

Ayon sa DepEd Masbate, ang nasabing medalya rin ang kauna-unahang gintong medalya na nakamit ng MSA mula nang opisyal itong buksan taong 2021.

Pinapurihan naman ng Deped Region V ang kahanga-hangang performance ni Gebilagiun sa naturang sport.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *