Atletang Batangueño, tuloy ang pagsungkit ng ginto sa Palaro

Basta Batangueño, hindi nagpapatalo, kagaya ng mga batang atleta mula sa Batangas na nag-uwi ng medalya sa nagpapatuloy na 2023 Palarong Pambansa.

Gintong medalya ang naiuwi ni John Joshua Carbayar mula sa Batangas Province Tuy Sub Office para sa Shotput Elementary Boys.

Sa Sepak Takraw Elementary Division, nakuha ng mga atleta mula sa Batangas ang bronze medal.

Naiuwi naman ng ROMS Lady Setters mula SDO-Batangas, San Jose Sub Office ang bronze Medal sa Volleyball Elementary Girls.

Nakamit ni Ziljhan Carlo Gad mula Bigain Elementary School, San Jose ang silver medal sa Discuss-Throw Elementary Boys category.

Bronze medal rin ang nakamit ni John Aljay Raz para sa Triple Jump event.

Nagtapos naman sa 4th place ang atleta mula Balibago Elementary School na si Gabriela May Soriano sa Shotput event.

Nasa animnapu’t tatlong mga kabataan mula sa Batangas ang lumahok sa Palarong Pambansa ngayong taon.

Nabatid na ang nasabing pampalakasan din ang nagbigay daan para mas makilala ang ilang atletang Batangueno kagaya ni Alyssa Valdez na tubong San Juan, Batangas na mula high school ay nagpamalas na galing sa larangan ng volleyball.

Mamayang alas-tres ng hapon, pormal na magtatapos ang 2023 Palarong Pambansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *