NAGA CITY –Posible ng mabago ang imahe ng mga atras boys o mg aparking attendant/ nagpapaatras ng mga sasakyan sa lungsod ng Naga ngayong pormal na silang inorganisa ng Naga City Police Office para maging isa ng sektor.
Ibig sabihin, mawawala na sila sa sistema ng animo’y mga pulubi at pakalat-kalat sa kalye na minsan ay nasasangkot pa sa mga street crimes at iba pang kaguluhan.
Inihayag ito ni Renne Gumba ang executive director at head ng Public Safety Office (PSO) matapos na makaharap niya na representative ng parking attendants kasama ang ilang opisyal ng NCPO.
Sinabi niyang maganda itong hakbang ng pulisya, sinusuportahan naman nila ito at agad na ini-refer sa Naga City Peoples Council para mapalakas ang organisasyon at ma-accredit ng City Government.
Ang mga atras boys na ito ay makikita na siyang nagbabantay sa mga sasakyan, sa mga single motorcycle na may kapalit na kaunting halaga na siya nilang pinagkakakitaan, para sa pamilya.