Auckland, patuloy na nakasailalim sa striktong lockdown

Pinalawig ng New Zealand ang implementasyon ng istriktong lockdown sa pinakamalaki nitong lungsod noong Lunes, na dahilan para mapilitan ang 1.7-million na nakatira doon na manatiling nasa loob lamang ng kanilang bahay sa loob ng karagdagang isang linggo.

Ito ay habang tinutugunan ng gobyerno ang maliliit na outbreak ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19.

Sa kasalukuyan ay naitala ng health authorities ang 33 bagong kaso ng Delta variant nitong Lunes, kung saan ang lahat ng ito ay matatagpuan sa Auckland.

Mas mataas pa ito kumpara sa 23 at 20 mga kaso na naitala noong weekend.

Inihayag ni Prime Minister Jacinda Ardern na malinaw na wala pang malawakang transmission ng virus sa Auckland, ngunit meron pa rin risks habang patuloy na lumilitaw ang mga bagong kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *