Aurora, natitirang lugar sa Region 3 na nasa alert level 2

Tanging ang lalawigan na lang ng Aurora sa Central Luzon ang nasa ilalim ngayon ng Alert level 2.

Habang kagabi ay isinailalim na rin sa Alert level 3 ang lalawigan ng Nueva Ecija at Tarlac.

Magugunitang una nang isinailalim sa Alert level 3 ang lalawigan ng Bulacan mula January 5 hanggang 15; habang mula naman January 09-15 ang lalawigan ng Pampanga, Bataan, Zambales, Olongapo at Angeles city.

Ang pagsasailalim sa mga nabanggit na lugar sa alert level 3 ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *