Ausie court: Djokovic palabasin mula sa immigration detention

Ipinag-utos ng Australian judge na agad palabasin mula sa immigration detention si Novak Djokovic, dahil ang desisyon umano ng gobyerno na irevoke ang visa ng tennis star na makapasok sa kanilang bansa ay “unreasonable.”

Sa desisyon ni Judge Anthony Kelly, ipinababalik rin ang pasaporte ni Djokovic at iba pang personal documents.

Ang world’s number one ay nakatakdang maglaro para makuha ang 21st Grand Slam title sa nalalapit na Australian Open.

Mababatid na si Djokovic ay ikinulong sa immigration detention hotel, kasama ang long-term asylum seeker detainees, simula noong Huwebes. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *