Aussie boxing world champ Tszy, nagpapagaling na matapos makagat ng aso

Nagpapagaling na mula sa operasyon ang Aussie boxing world champ na si Tim Tszyu matapos umanong makagat ng aso, ilang linggo bago ang pag depensa niya sa kanyang interim WBO super welterweight title.

Pinahinto ng unbeaten 28-year-old ang Amerikanong si Tony Harrison noong Marso para makuha ang belt at nakatakdang ipagtanggol ito laban sa Mexican na si Carlos Ocampo sa Gold Coast ng Queensland sa June 18.

Ngunit si Tszyu, ay nagtamo ng laceration sa kanyang kanang braso matapos makagat ng aso

Iginiit ng kanyang manager na si Glen Jennings na matutuloy ang laban gaya ng plano.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *