Australia, tumangging magbigay ng pahintulot sa pagmimina malapit sa Great Barrier Reef

Tumangging magbigay ng pahintulot ang Australia’s environment minister para sa isang bagong proyektong thermal coal na pag-aari ng mining magnate na si Clive Palmer malapit sa Great Barrier Reef.

Sa isang video na naipost sa social media, sinabi ni Environment Minister Tanya Plibersek, na ang minahan ay isang open-cut coal mine na wala pang 10 km mula sa Great Barrier Reef at ang posibleng panganib ng polusyon ay makakapinsala sa mga bahura.

Sinabi ni Plibersek na nakatanggap ang kanyang opisina ng 9,000 public submissions sa issue sa loob ng sampung araw.

Ayon sa mga environmental experts , ang Unesco world heritage-listed reef ang pinakamalaking coral reef ecosystem sa mundo ay dumaranas na ng malaking epekto ngayon ng climate change.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *