Australia nakipag-ugnayan sa DFA kaugnay sa cessna plane crash lulan ang 2 Autralian nationals

Nakipag-ugnayan na ang Australian Embassy sa mga awtoridad kaugnay ng dalawang Australian nationals na pasahero ng Cessna 340 na bumagsak sa Albay.

Ayon kay Australian Ambassador to the Philippines Hae Kyong Yu, nakipag ugnayan na sila sa Department of Foreign Affairs and Trade sa posibleng consular assistance sa mga pamilya ng dalawang Australian nationals.

Pinasalamatan din niya ang mga awtoridad sa kanilang walang pagod na pagsisikap sa retrieval at search and rescue operations.

Nagpahayag din ng pakikiramay embahada sa mga pamilya ng dalawang mamamayan nito.

Matatandaang , natagpuan noong Linggo, ang posibleng wreckage ng Cessna 340 malapit sa crater ng bulkang Mayon, mahigit isang araw bago maiulat na nawawala ito. Naka-schedule sanang mag-land ang naturang aircraft sa Maynila.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *