Automatic discount ng nagkokonsumo ng 0-20 kwh ng kuryente, posibleng tanggalin na ng Soreco Dos

Posibleng tanggalin na ang automatic discount ng nagkokonsumo ng 0-20 kwh ng kuryente sa Sorsogon Electric Cooperative o SORECO 2 sa susunod na buwan.

Sa impormasyon na ipinaabot sa Brigada News, dahil ito sa bagong guidelines ng RA 11552 o An Act Extending and Enhancing the Implementation of the Lifeline Rate at pagbabago sa ibang probisyon ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA Law) of 2001.

Matatandaan na taong 2005 nang magsimulang ipatupad ng SORECO 2 ang automatic 0-20 kwh discount sa kanilang nasasakupan, pero sa bagong guideline ng RA 11552, tanging ang mag a-aaply lamang sa Life Line Rate Program ang makakakuha ng diskwento na posibleng umabot sa 100% subsidy.

Sa ngayon, maliit lamang na porsiyento ang ibinabawas o discount sa nagkokonsumo ng 0-20kwh na binabayaran o ipinapatong rin sa nagkokonsumo ng 21kwh pataas, handa naman umanong sumunod ang SORECO 2 kung sakaling maging 100% subsidy ito sa susunod na buwan.

Nagsimula nang tumanggap ng aplikasyon ang SORECO 2 sa mag a-avail ng Life Line Rate Program.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *