Available vaccines para sa mga batang may edad na 5-11 taong gulang, pinoproblema ng DOH Bicol sa kabila ng mababang vaccination rate nito

LEGAZPI CITY – Sa kabila man ng mababang vaccination rate ng mga batang may edad lima hanggang labing-isang taong gulang sa lalawigan ng Albay, problema rin ng Department of Health (DOH) Bicol ang mga available na bakuna para sa sakanila ayon sa ahensiya.

Sa pahayag ni Dr. Desiree Bricenio, DOH Bicol National Immunization Program (NIP) Medical Coordinator, 30% pa lamang ang vaccination rate ng mga bata mula 5 hanggang 11 taong gulang, at ito ay mababa pa rin kumpara sa ilang age groups. 30% pa lamang ang vaccination rate ng mga bata mula 5 hanggang 11 taong gulang, at ito ay mababa pa rin kumpara sa ilang age groups.

Bagama’t mababa ang tala pagdating sa vaccination rate, problemang maituturing ng kagawaran ang availability ng mga bakuna para sa kanila dahil wala pa sila umanong natatanggap na update kung may mga darating pang bakuna.

Dagdag pa ni Bricenio, kung ano ang kasalukuyang nasa kanila, ay iyon lamang ang ginagamit na bakuna. Samantala, mataas naman ang nakuhang vaccination rate ng mga batang edad mula 12-17 taong gulang na may tinatayang humigit-kumulang 80% na ang naaabit, kung kaya ang kailangan na nila ngayon ay booster shot

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *