Availment period para sa Pandemic Relief and Restructuring Programs hanggang Pebrero na lang, SSS nagpaalala sa mga miyembro na mayroong pagkakautang na i- avail na ang programa

CAMARINES NORTE- Nagpaalala ang Social Security System (SSS) sa mga miyembro nito na mayroong pagkakautang na hindi nababayaran at patuloy na lumalaki ang interest at penalty na i- avail na ang programang Pandemic Relief and Restructuring Programs (PRRP) bago pa matapos ang availment period.

Hanggang sa Pebrero 14 na lang kasi ang availment period na nagsimula noong November 2021.

Sa panayam ng Brigada News FM sinabi ni SSS Daet Branch Head Engr. Ermina Maria Robredo na ang mga miyembro na mayroong pagkakautang ay maaaring mag apply online at kailangang updated ang contact information.

Sakop ng PRRP ang lahat ng member- borrowers na hindi nakapagbayad ng short- term loan nang hindi bababa sa anim na buwan sa unang araw ng pagpapatupad ng programa.

Ang member- borrowers ay dapat may edad na mas mababa sa 65 taong gulang sa katapusan ng installment term, hindi pa nabigyan ng final benefit gaya ng Permanent Total Disability o Retirement at hindi pa nadi- disqualify dahil sa fraud laban sa SSS.

Sakop ng programa ang member- borrowers na nais mag file ng permanent total disability o retirement benefits application na ang araw ng pagkabalda o pagreretiro ay kasabay ng o mas maaga sa huling araw ng pagpapatupad ng condonation program.

Mga benepisyaryo ng namatay na member- borrower na magsusumite ng death Benefit Application na ang araw ng pagkamatay ng member- borrower ay kasabay ng o mas maaga sa huling araw ng pagpapatupad ng condonation program.

“Yung short term member loans penalty condonation program na nagsimula po nung November 15, 2021 magtatapos po siya sa February 14, 2022, so yun pong may miyembro na may mga pagkakautang po at least na delinquence sila ng anim na buwan prior to November 15, 2021 po ay pwede po silang mag apply, online ang application po niyan, kailangan niyo lang po mag update ng inyong contact information,” ani Robredo.

“Doon sa mga mag aaply ng retirement pension at tsaka death pension kailangan po makapag apply po kayo sa loob ng availment period.”

Hindi naman masabi ni Robredo kung posible ba na palawigin ang availment period ng programa makaraang itaas sa Alert Level 3 ang Camarines Norte.

“Online po ang pag -apply niyan, so weather kung anong Alert Level po kita, pwede po kitang mag -apply online basta naka- register tayo sa my.sss at updated po ang contact information natin.”

Ayon pa kay Robredo mayroon ding binibigay na daily cash allowance ang SSS para sa mga miyembro na kwalipikadong mag apply sa sickness at maternity benefits.

“Yung dalawang benefit na yan po ay  may kailangan na qualifying contribution within the less 12 months prior to the semester of contingencies.”

Sa mga SSS member naman na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya ay maaaring mag avail ng unemployment benefit.

Leave a Reply

Your email address will not be published.