Average daily case ng COVID-19 sa Bicol, pumalo na sa 400; DOH umapela ng kooperasyon vs pandemya

BICOL—Muling umapela ng kooperasyon ang Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano sa laban kontra COVID-19 sa gitna ng muling pagtaas ng kaso ng sakit sa rehiyon.

Mula kasi sa dating 300 na average daily case na naitala noong nakaraang linggo, umabot na ito ngayon sa 400.

Nasa critical at high risk na rin umano ang estado ng tatlong COVID-19 referral hospitals ng DOH sa rehiyon, ibig sabihin malapit nang mapuno ang mga ito.

Sa tala hanggang nitong Setyembre 13, umaabot na sa 89.4% ang COVID-19 bed utilization rate sa Bicol Medical Center sa Naga City, 93.7% sa BRGHGMC sa Cabusao, Camarines Sur at 78.6% naman sa BRTTH.

Dahil sa presensya ng COVID-19 variants of concern (VOC) at sa gtina ng nagpapatuloy na contact tracing ay asahan umano ang posible pang pagtaas ng kaso ng sakit.

Hiniling din ng ahensya sa mga LGU hospitals sa Albay na akuin na muna ang responsibilidad sa iba pang mga pasyente ngayong hindi muna tatanggap ng mga non COVID patients ang BRTTH simula ngayong araw.

Pagbibigay diin ng DOH, hindi kakayaning mag-isa ng health sector ang pagtugon sa pandemya kaya hiniling nito ang pakikiisa at kooperasyon ng lahat, mula sa mga ahensya ng gobyerno, mga LGU, media at maging sa publiko.

Patuloy na sundin ang mga health protocol at suportahan ang kampanya sa pagbabakuna.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *