Local News

Ayuda ng mga IGLO sa Cauayan City mula sa DOLE Region 2, binawasan

Nagrereklamo ang ilang mga miyembro ng Isabela Green Ladies Organization ng lungsod ng Cauayan matapos umanong binawasan ang kanilang natanggap na ayuda mula sa Department of Labor and Employment Region 2.

Sa natanggap na reklamo ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, binawasan umano ng 2,000 pesos ng mga kapitana at presidente ng kani-kanilang IGLO Barangay Chapter ang kanilang natanggap na ayudang 5,000 mula sa DOLE.

Paliwanag ng mga ito, ilalaan umano ang kinuhang ayuda sa pondo ng kanilang organisasyon at ang ilan ay para sa kanilang kooperatiba na pwedeng utangin ng mga myembro nito.

Dagdag pa dito, mayroon umanong kasunduan ang DOLE Region 2 at ang COOP IGLO kaugnay rito. Ayon sa mga nagreklamo, wala naman umanong ganoong usapan nang sila ay pumirma ng form noong April 2021.

Sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Chester Trinidad, Information Officer ng DOLE Region 2, wala umanong agreement ang kanilang tanggapan at COOP IGLO dahil ang kanilang ibinibigay ay bahagi ng kanilang Bayanihan Act 2 na makakatulong sa mga small business.

Sinubukan naman na kunin ng 92.9 Brigada News FM Cauayan ang panig ng COOP IGLO at ayon sa kanila, saka lamang silang magsasalita kung haharap ang mga nagreklamo sa kanilang tanggapan upang maliwanagan ang mga ito.

Sa ngayon ay magsasagawa ng pagpupulong ang naturang organisasyon kasama ang mga presidente ng iba’t-ibang barangay chapter upang talakayin ang usaping ito.

BNFM Cauayan

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

11 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

11 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

11 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

11 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

11 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

12 hours ago