Ibinahagi ng Malacañang na ang ideneklarang savings ng mga ahensya ng gobyerno ang gagamitin para pondohan ang cash aid para sa mga apektadong residente ng Metro Manila, na muling isasailalim ng enhanced community quarantine (ECQ) mula August 6-20.
Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, ang utilization ng “unobligated, continuing appropriations, at savings, para makapagbigay ng ayuda ay alinsunod sa Administrative Order No. 41 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong May 21.
Dagdag ni Roque, naglaan ang gobyerno ng kabuoang P13.1 billion, na kinabibilangan ng contingency funds, para makapagbigay ng pera bilang financial aid sa halos 10.7 million na mga residente ng Metro Manila na magiging apektado sa reimposition ng ECQ.
Sakali naman kailanganin pa ng gobyerno ang pera para sa anumang karagdagang cash assistance, ito naman ay kukunin mula sa “windfall” na nakolekta ng Bureau of Treasury.
Una nang sinabi ng kalihim na ang mga residente na maapektuhan ng ECQ ay tatanggap ng P1,000 per person hanggang sa maximum na P4,000 per family. // MHEL PACIA-TRINIDAD
Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…
Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…
NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…
Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…
Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…
Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…