Ayuda para sa mga naapektuhan ng lockdown sa NCR 100% nang naibigay – DILG

Nasa isang-daang porsiyento na nang target beneficiaries na apektado ng ipinatupad na lockdown sa Metro Manila ang nabigyan ng ayuda mula sa pamahalaan.

Sa ulat ni Interior Sec. Eduardo Año kay Pangulong Rodrigo Duterte, umabot sa P11.22 billion mula sa P11.25 billion na kabuoang pondo ang naipamigay sa mga naapektuhang residente.

Katumbas umano ito ng mahigit 11-milyong indibidwal na nakatanggap na nang ayuda.

Nilinaw naman ni Año na may ilang LGUs ang nakatakda magbalik ng pera dahil wala na umanong claimants sa kanilang lungsod at lahat naman ng nasa listahan ay nabigyan na ng financial aid.

Samantala inihayag naman ng kalihim na sa probinsiya ng Laguna ay nasa 87% pa lamang ng ayuda ang naipapamigay habang 61% naman sa probinsiya ng Bataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *