Ayuda, patuloy na bumubuhos sa Hospicio de San Jose on Isla de Convalecencia

Patuloy na bumubuhos ang tulong sa makasaysayang bahay ampunan na nahihirapan na ngayon na alagaan ang mga ulila, walang matirahan, at mga matanda dahil sa COVID-19 pandemic.

Ito ay matapos ipakalat ng ilang indibidwal ang hiling na tulong ng mga madre ng Daughters of Charity, na nagpapatakbo sa Hospicio de San Jose sa Isla de Convalecencia, sa Pasig River sa Quiapo, Manila.

Sinabi ng isang babaeng miyembro ng Hospicio, na tumangging magpakilala, na nasa 23 tao na sa compound ang nahawaan ng COVID-19 habang meron naman isang matanda ang namatay kamakailan, ngunit hindi dahil sa virus.

Inihayag naman ng lokal na pamahalaan ng Maynila na chinecheck na nito ang mga records para mahanap ang dahilan ng infections.

Tiniyak naman ni Dr. Arnold Pangan, city health officer, na sunod na sa vaccination ang mga personnel ng Hospicio at pati na rin ang mga adult residents nito.

Matatandaan na nag-viral sa social media ang apela ng Hospicio para sa gatas at iba pang food items, at pati na rin para sa infant at adult diapers.

Makikita rin naka-post ang parehong panawagan sa Facebook pages ng lay apostolate arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *