Azkals, sasali sa training camp sa Qatar

Sasali ang Philippine Azkals sa training camp sa Qatar para paghandaan ang pagbabalik ng Joint FIFA World Cup at AFC Asian Cup Qualifiers.

Labing-pitong buwan matapos ang kanilang huling opisyal na laro, ay babalik ang Azkals sa field para magpalakas sa Doha mula May 18-31.

Pagkatapos niyan ay didiretso na sila sa Souzhou, China para sa aktwal na kompetisyon.

Unang makakalaban ng Azkals ang Guam sa Group A ng kompetisyon sa June 3.

Sa June 9 naman ay makakatapat ng Pilipinas ang China, na host ng kompetisyon habang sa June 15 naman ay Maldives ang kanilang makakalaban.

Matatandaan na huling umaksyon ang Azkals noong November 2019 kung saan ay natalo sila ng Syria sa score na 0-1

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *