Babae, arestado sa pagnanakaw ng chicken nuggets, paninda sa San Pascual, Batangas

Arestado ang isang babae matapos na magnakaw ng mga grocery items sa isang grocery store sa Brgy. Sambat, San Pascual, Batangas.

Kinilala ng San Pascual Municipal Police Station ang suspek na si Dawn Marie David y Abad, 42 anyos at residente ng Brgy. Palsahingin, San Pascual, Batangas.

Ayon sa imbestigasyon, nakita mismo ng dalawang store crew sa CCTV ang suspek na kinukuha ang mga grocery items at inilagay sa kanyang eco bag.

Binayaran umano ng suspek ang ilang grocery items habang ang ilan naman ay hindi.

Matapos na komprontahin ng mga store crew ang suspek ay agad itong tumakbo dala ang naturang mga grocery items.

Tuluyan din namang naaresto ng mga awtoridad ang suspek at narekober mula sa kanya ang dalawang pack ng chicken nuggets, isang corn beef, ilang de-lata, palaman sa tinapay, dalawang pack ng juice, at dalawang cereals na nagkakahalaga ng P759.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek at mahaharap sa kasong theft.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *