Babae mula sa Legazpi City, nanalo ng p100,000 sa Milyong Saya sa Brigada Balik-Biyaya Year 2

LEGAZPI CITY – Maswerteng nabunot ang Brigada News FM Legazpi sa Luzon area sa isinagawang semi-raffle draw ng Milyong Saya sa Brigada Balik-Biyaya Year 2.

Sa ginawang raffle draw sa BNFM Legazpi, nanalo ng P100,000 si Maria Loida de Lumen, residente ng Barriada, Legazpi City.

Nanalo rin ng tig-P100,000 sina Chinen Piccio ng Bacolod at Ruby Revise (re-bi-se) ng Davao habang uuwi ng kalahating milyong piso si Daisy Asare na sponsored ng YummyVit Syrup.

Nanalo rin ng P50,000 sina Hernane Preiera ng Naga, Junio Flores ng Cebu at Leonora Garcia ng Zambonga.

Samantala, kasabay ng ika 17 anibersaryo ng Brigada Group of Companies, inilatag ni Brigada Chairman and Chief Executive Officer Elmer V. Catulpos ang napagtagumpayan ng kumpanya at ang mga plano pa nito sa susunod na mga taon.

Ayon kay EVC, nakatakda pang palakasin at palawigin ang puwersa ng Brigada Group of Companies.

Ang Brigada – na itinuturing bilang ‘Biggest Marketing Media Company’ sa bansa ay target mag-public sa 2025; at maging isang international company sa taong 2026.

Ibinida rin na sa 1st half ng taong 2022 – nakapagtayo ang Brigada Philippines ng sampung ‘state-of-the-art’ radio stations sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Tuluy-tuloy din ang mga programa para sa expansion ng Brigada Group of Companies sa iba’t ibang industriya para maihatid nag tulong at serbisyo sa mas nakararami pang mga ‘KaBrigada’.

Nag-iwan naman ng hamon si EVC sa libu-libong empleyado ng Brigada na lalo na nilang pag-igihan ang kanilang pagse-serbisyo publiko, at huwag matakot mag-take ng risks para sa ikauunlad ng sarili.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *