Babae na nagsampa ng kaso laban sa 11 pulis sa Cebu City, patay sa pamamaril

Patay mula sa pamamaril ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang isang 35-anyos na babae na pinagnakawan at ginahasa diumano ng tinatayang nasa 11 pulis sa Cebu City.

Sinabi ni Major Alejandro Batobalonos, hepe ng Integrity Monitoring and Enhancement Group (IMEG) Visayas Field Unit, na pinagbabaril ng ilang ulit ang biktimang kinilala sa pangalang Ritchie Nepomuceno matapos ang isang buwan mula nang magsampa ito ng mga kasong kriminal laban sa 11 pulis  na naka-assign sa Sawang Calero police station.

Base sa ulat ay nasawi si Nepomuceno, na residente ng Minglanilla, sa multiple gunshot wounds.

Wala nang ibang detalye pa na ibinigay ang pulisya kaugany sa pagpatay kay Nepomuceno.

Noong nakaraang buwan ay nakasuhan ang 11 pulis ng Sawang Calero police station ng roberry, arbitrary detention, grave coercion at grave threats sa Cebu provincial prosecutor’s office.

Naakusahan ang mga nasabing pulis ng pagnanakaw sa ilang mahahalagang kagamitan ni Neopmuceno.

Inihayag rin ni Brigadier General Ronnie Montejo, head ng Centra Visayas police, na nakasuhan rin ang team leader ng mga akusadong pulis na si Staff Sergeant Celso Colita ng two counts of rape dahil sa pangmomolestya umano nito kay Nepomuceno sa isang motel.

Hindi naman nakasuhan ang hepe ng Sawang Calero police station na si Major Eduard Sanchez, ngunit natanggal ito sa pwesto dahil sa command responsibility.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *