Babae, patay sa Caloocan matapos mahulog mula sa bubong habang sinasagip ang kanyang aso

Patay ang isang babae sa Barangay 176, Bagong Silang, Caloocan City matapos umanong mahulog sa bubong ng kanilang bahay habang sinusubukang iligtas ang kanyang aso.

Ayon kay Caloocan City Police Station (CCPS) Chief Col. Ruben Lacuesta, natukoy nila ang biktima na si Eloisa Gentugao, 18-anyos, at naninirahan sa Barangay 176.

Batay sa imbestigasyon, nag-ugat ang insidente matapos ang pagtatalo ni Gentugao at ng kanyang partner na si Arcel Royo, 24-anyos, at taga-Tondo, Manila.

Nang matapos umano ang argumento, dinala ni Royo ang aso ni Gentugao sa bubong ng bahay para umakyat din ang kanyang nobya upang sagipin ang kanyang aso.

Biglaan namang bumigay ang bubungan ng bahay, dahilan para bumagsak din ang babae.

Agad na dinala ang biktima sa ospital, ngunit dineklara na itong dead on arrival.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *