Babae sa China, hindi na makapikit matapos magpa retoke ng mata

China–  Nauuso ngayong panahon sa mga bansang nasa Silangang Asya partikular sa China, Japan at Korea  ang pagpapa retoke ng mata upang palagyan ng talukap.

Dahil sa pagiging chinita o ‘singkit’, nagpapalagay sila ng ‘eyelid crease’ o guhit sa talukap ng mata sapagkat naniniwala silang mas magbibigay ito ng dagdag na ganda sakanilang mga mata.

Ganunpaman, isa itong maituturing na sensitibong operasyon lalo na at mata ang pinag-uusapan kaya naman doble ang dapat na maging pag-iingat ng mga espesyalista upang hindi magkaroon ng komplikasyon ang pasyenteng magpapa retoke.

Sa kasamaang palad, ganito ang nangyari sa isang 30-anyos na babae sa China na itinago sa pangalang “Li Xin” na dalawang beses na sumailalim sa naturang eyelid operation.

Batay sa report, naging maayos naman ang kinahinatnan ng unang beses niyang pagpapalagay ng ‘eyelid crease’ ngunit hindi umano nakuntento ang babae sapagkat sa tingin niya ay hindi gaanong halata ang inilagay na guhit sa kanyang talukap.

Nag desisyon itong muling sumailalim sa ikalawang procedure kung saan nakuntento na sana sa resulta ng kanyang ikalawang operasyon si Li Xin ngunit ang naging problema hindi niya na magawang maipikit ang kanyang mga mata.

Paliwanag ng surgeon, hindi pa kase gaanong magaling o hilom ang sugat ni Li Xin mula sakanyang naunang operasyon kung kaya’t nagkaroon ng komplikasyon nang ninais niyang sumailalim sa ikalawang procedure.

Babalik rin umano sa normal ang pagpikit ni Li Xin oras na tuluyan nang humilom ang sugat na natamo mula sa naturang operasyon.### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *