Babae sa Colombia patay malunok ang kanyang pustiso habang natutulog

KONTROBERSIYAL ngayon sa bansang Colombia ang mapait na kapalaran ng isang ginang matapos na ang maging sanhi ng kanyang pagpanaw ay ang kanyang pustiso o “dentures”.

Batay sa ulat, hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang biktima na kinilalang si Maria Farias Guzman – 48-anyos at naninirahan sa Armenia region ng nasabing bansa.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na habang natutulog ay natanggal sa pagkakakabit mula sakanyang bibig ang suot na pustiso kung kaya’t napunta ito sa bahagi ng kanyang lalamunan.

Ayon naman sa kaanak ng biktima, nakarinig sila ng ingay ng tila nahihirapan sa loob ng kwarto nito ngunit hindi nila agad pinansin sa pag-aakalang humihilik lamang si Guzman.

Huli na nang kanilang buksan ang pinto ng kwarto dahil wala nang malay ang biktima.

Ayon sa sumuring doctor, “respiratory tract obstruction” ang cause of death ng biktima dahil sa nalunok at bumarang pustiso.### JDR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *