KATAKOT-TAKOT ang sinapit ng isang 47 years old na babae sa Detroit matapos malagas ang mga ngipin nito bunsod ng sobrang pag-inum ng tea o tsaa.
Sa sobrang hilig ng babae sa tsaa, sa loob ng 17 years araw-araw ay nauubos niya ang isang pitsel nito kung saan 100 tea bags ang nakukunsumo niya sa pagtimpla, lingid sa kanyang kaalaman na ito ay magiging daan upang magkaroon siya ng sakit na tinatawag na skeletal fluorosis.
Ang Skeletal Fluorosis ay isang sakit kung saan humihina ang mga ngipin dahil sa sobrang in take ng tsaa dahilan para magresulta ng pagkalagas ng mga ito, apektado rin ang mga joints o kasu-kasuan at mga buto dahil sa nawawala umano ang mineral ng fluoride sa katawan.
Ayon sa pag-aaral nagagamot ang nasabing sakit na ito , kailangan lamang na maging responsable sa pag inum nito o tuluyan ng itigil ang pag inom ng tsaa para sa mas madaling proseso ng paggaling sa naturang sakit.###CD