Babae sa India, nagbalatkayo bilang isang lalaki sa loob ng 30-years, maitaguyod lang ang kanyang anak

India—Tunay nga na ang pag-ibig ng isang ina sakanyang anak ay hindi matatawaran, gagawin ang lahat ng sakripisyo masuportahan lamang ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Sa bansang India, isang babae ang nagpanggap bilang lalaki sa loob ng 30-taon, upang maitaguyod lamang ang kanyang anak.

Edad 20-anyos pa lamang, nang mabiyuda si Petchiammal kung kaya’t napilitan siyang pumasok bilang construction worker, bell boy at iba pang trabaho na karaniwang hindi ginagawa ng isang tipikal na babae.

Ganunpaman, nakaranas siya ng diskriminasyon at pambabastos dahil sakanyang kasarian kung kaya’t hindi rin siya tumatagal sakanyang trabaho.

Dahil dito, napilitan si Petchiammal at ang kanyang anak na lumipat sa ibang lugar kung saan walang nakakakilala sakanya bilang isang babae, at doon niya na sinimulan ang pagbabalatkayo bilang lalaki kasabay ng pagbabago sakanyang pangalan bilang isang “Muthu” para makapagtrabaho.

Inabot ng tatlong dekada ang kanyang pagbabalatkayo at nang makapangasawa na ang kanyang anak, saka lamang niya inamin sakanyang mga ka-trabaho ang tunay niyang kasarian.

Nag viral sa social media ang kwentong ito ni Pechiammal kung kaya’t hinangaan at pinuri siya ng publiko dahil sa katatagan sa buhay matapos mag-isang itaguyod ang kanyang anak.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *