Babae sa Japan, nasa 9.9 centimeters ang haba ng dila

Japan—Viral at pinag-uusapan ngayon sa bansang Japan ang isang babaeng sikat na Youtube vlogger sa naturang bansa dahil sakanyang ipinamalas na kakaibang katangian.

Bukod kase sa pagiging miyembro ng idol group at sa husay umarte ni Michaela Wako Sato, taglay din nito ang kanyang napakahabang dila na umaabot sa 9.9 centimeters.

Umabot sa mahigit 3-million views ang kanyang vlog kung saan niya ipinakita ang kanyang mahabang dila.

Ayon sakanyang mga fans at supporters, maaring si Michaela ang may pinakamahabang dila sa buong mundo lalo na at batay sa tala Guinness Book of World Records, ang kasalukuyang may hawak ng titulo ay si Chanel Tapper na nagtataglay lamang ng 9.5 centimeters na haba ng dila.

Sa ngayon ay hindi pa ito natitingnan ng Guinness upang pormal na makilala.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *