Babae sa Michigan, aksidenteng napatakan ng “super glue” ang kanyang mata

Michigan—Isinugod sa ospital ang isang babae sa Michigan matapos nitong aksidenteng patakan ng super glue ang kanyang mata.

Madaling araw nang magising ang ginang na kinilalang si Yacedrah Williams, matapos niyang maalalang hindi niya natanggal ang kanyang suot na contact lens.

Dahil dito, nakaramdam siya ng panunuyo ng mata kaya’t minabuti niyang magpatak ng eye drops.

Sa kasamaang palad, imbes na eye drops ay bote pala ng pandikit o ‘super glue’ ang kanyang nakuha at huli na ang lahat nang kanya itong mapagtanto makaraang tuluyan niya na itong maipatak sakanyang mga mata.

Dahil sa insidente, pansamantalang hindi naidilat ni Williams ang kanyang mata daan upang isugod siya sa emergency room ng pinakamalapit na pagamutan sakanilang lugar.

Maswerte na lamang at naagapan ito ng rumespondeng doktor kaya’t muling naimulat ng babae ang kanyang mata habang hindi naman naging ganun kalala ang kanyang natamong pinsala.

Payo ng mga eksperto sa makakaranas ng katulad na insidente, agad na padaanan ng running water ang mata bilang paunang lunas.### JDR, BNFM Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *